DAPAT SUMUNOD | Mga turistang pasaway, pinaalis na ng PHIVOLCS sa paligid ng bulkang Mayon

Albay, Philippines – Naka-monitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa ilang mga turista na aktibo pa rin sa kanilang aktibidad sa lugar na sakop ng bulkang Mayon.

Ayon kay Mariton Bornas, Chief Science Research Specialist Volcano Monitoring and Eruptions Division, dapat sumunod ang mga turista sa paabiso na lumayo na sa itinakdang permanent danger zones bilang precautionary measure sakaling nagkaroon ng explosive activity ang bulkan.

Nagtakda rin ang PHIVOLCS ng extended danger zone sa southern area ng Albay partikular sa Camalig Guinobatan at Daraga.


Ang mga lugar na ito ay makararanas ng pagbuga ng abo. dahil sa panahon ng amihan, maaring madala ito sa hangin ang ash fall na mapanganib sa mga matatanda gayundin sa nga sanggol.

Pinayuhan ang mga ito na magsuot ng face mask at magtakip ng basang basahan at panatilihing sarado ang mga bintana.

Facebook Comments