“DAPAT SUNDIN” | DOLE, iginiit na dapat sundin ng PLDT ang kautusan hinggil sa regularization ng mga manggagawa

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ‘final and executory’ ang kautusan nito sa Philippine Long Distance Company (PLDT) na i-regularize ang higit 7,000 manggagawa.

Ito ay sa kabila ng nakabinbing apela ng PLDT sa Court of Appeals (CA).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, umiiral pa rin ang kautusan dahil walang Temporary Restraining Order (TRO).


Nitong July 3, inihayag ng PLDT na naghain sila noong Mayo ng petition for certiorari sa CA para kwestyunin ang legalidad ng DOLE order.

Bukod dito, 23 mula sa 38 service contractors na matatamaan ng kautusan ng DOLE ay naghain din ng kaparehas na petisyon sa CA.

Facebook Comments