DAPAT TANGGALIN | Kapangyarihan ng NFA sa pagkakaloob ng alokasyon sa rice importation, Dapat nang alisin sa ilalim ng rice tarrification bill

Manila, Philippines – Mawawala na ang nakaugalian na pagpapalabas ng alokasyon ng NFA sa pag import na bigas na daluyan umano ng korapsyon sa sandaling maipasa ang isinusulong na rice tarrification bill.

Ito ang ipinahayag ni Congressman Jose Panganiban, chairman ng House Committee on Agriculture sa isinagawang Media Forum sa QC.

Ayon kay Panganiban, kung susuriin,mga farmers cooperative ang nag aaplay sa alokasyon sa minimum access volume na commitment ng gobyerno sa World Trade Organization.


Sa bandang huli ibinebenta nila ito sa mga private traders.

Pero, hindi naman aniya dapat buwagin ang NFA.

Sa halip, ilimita ang kapangyarihan nito sa pag import ng bigas para sa buffer stocking.

Hindi rin Dapat umasa masyado sa importation kundi dapat ay sabayan ng komprehensibong Rice production program

Facebook Comments