Dipolog,Philippines – Karangalan ngayon ng pamahalaang local ng siyudad ng Dapitan matapos mag-kampeon sa buong Zamboanga Peninsula region ang Cassava Growers and Processors Association ng siyudad sa ginawang Agri-Entrepreneur Gawad Saka ng Department of Agriculture (DA) kamakailan.
Ayon kay regional gawad saka coordinator Erwin Rodriguez, isa sa mga basehan sa nasabing kompetisyon ay ang mabilis na pag-unlad ng grupo.
Ayon namankay Dapitan Livelihood Coordinator Susan Empeynado, ang nasabing parangal nakamit dahil sa kanilang pagsisikap na mapalago ang kanilang asosasyon.
Nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si Nelfa Benitez, presidente ng grupo kay Dapitan City Mayor Rosalina Jalosjos sa walang humpay na suporta at sa tanggapan ng dana nagbigay ng mga makinarya para sa kanilang cassava chips production.
Sa ngayon,pinaghahandaan na naman sa tanggapan ni Empeynado ang gagawing national level competition.
Dapitan Cassava Growers and Processors Asso., kampeon sa Agri-Entrepreneur Gawad Saka ng DA
Facebook Comments