Inanunsyo ng Quezon City local government unit (LGU) na nakatakdang buksan sa publiko sa darating na Biyernes Nobyembre 8, ang unang gabi ng Kyusi Nights ang Dapitan Christmas Market na matatagpuan ang Dapitan Christmas Market sa Dapitan St., kanto ng Kanlaon St., sa Barangay Santa Teresita sa Quezon City.
Ayon sa Quezon City LGU, kagigiliwan ng publiko ang naturang mga bilihin na pang-Christmas decor bukod pa sa tampok sa naturang okasyon ang mga masasarap na pagkain, dekalidad na magagandang mga damit, handicrafts, at iba pang natatanging locally made product na gawa ng Quezon City o Tatak Kyusi.
Sa mga nais na magtutungo magbubukas ang Dapitan Christmas Market mula ng alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi tuwing Biyernes at alas 10:00 ng umaga naman hanggang alas 11:00 ng gabi ng Sabado at Linggo sa mga gustong mga bumili ng Christmas decor.
Hinikayat ng QC LGU na tangkilikin ang sariling produkto ng lungsod na kayang makipagsabayan na mga produkto sa ibang bansa dahil sa dekalidad na gawang Pinoy.