DAR-ARMM, namahagi ng 28 proyekto sa ilalim ng HDAP!

P8,517,500 ang kabuuang halaga ng mga proyekto na ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR)-ARMM sa agrarian reform beneficiaries and communities sa bayan ng Rajah Buayan at Sultan Sa Barongis sa Maguindanao.
Kabilang sa mga ito ay 24 units ng socialized housing, 2 units ng community warehouse at 2 units na solar dryers.
Pinondohan ito sa ilalim ng Kalilintad sa Kangilupa na component ng Humanitarian and Development Assistance Program (HDAP) ng ARMM government at ipinatutupad ng DAR-ARMM.
Sinabi ni DAR-ARMM Secretary Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide, ang naturang mga proyekto ay mag-uudyok sa agrarian reform beneficiaries at kanilang mga organisasyon na i-develop ang agriculture-based enterprises upang lumago ang kanilang farm productivity at lumaki ang kanilang kita.

Facebook Comments