DAR at DHSUD, nagkasundo para sa disenteng pabahay para sa mga magsasaka

111

Lumagda ng kasunduan ang Department of Agrarian Reform (DAR) at Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) para bigyan ng maayos at disenteng pabahay ang mga magsasaka.

Ayon kay Dar Secretary John Castriciones, isa itong makasaysayang proyekto dahil wala pang programang pabahay na naisulong para sa mga magsasaka.

Katuwang dito ang developer na Bellavita Land Corporation para maisakatuparan ang pinapangarap na “Balai Farmers Housing Program”.


Ayon sa kalihim, ang housing program ay abot-kaya ang halaga, maka-kalikasan at naka-desenyo na may pasilidad.

Naniniwala si Castriciones na ng proyektong pabahay ay isang paraan para mapanatili ang sigla sa pagsasaka.

Facebook Comments