DAR at DSWD, magpapatupad ng data sharing agreement para sa pag-ayuda sa ARBs

Tutulong na rin ang Department of Agrarian (DAR) upang mapabilis ang validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng social amelioration cash incentives.

Inatasan ni DAR Secretary John Castriciones ang mga Regional Director at Provincial Agrarian Reform Program Officers magsagawa ng data sharing agreement para sa pagbabahagi ng datos sa DSWD.

Sinabi ni Castriciones na ang mga datos na makukuha ay kailangang masuring mabuti at maikumpara sa sariling database ng DAR.


Layon nito na mapadali ang paghahatid ng cash assistance sa mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) alinsunod sa programa ng pamahalaan na Bayanihan to Heal as One.

Magagamit din ng DAR ang datos sa ipatutupad nitong “ARBold Move to fight COVID-19” na naglilipat ng pondo ng Social Infrastructure Building and Enterprise Development and Economic Support para makapagbigay sa mga ARBs ng ayuda sa pagkain at tulong teknikal upang matiyak na ganap silang may kakayahang gawin ang kanilang mga tungkulin bilang mga aktibong frontliner.

Target ng DAR na magbigay ng mga suportang serbisyo sa 350,000 ARBs sa buong bansa.

Facebook Comments