Nagtutulungan ngayon ang Department of Agrarian Reform (DAR) at ang National Nutrition Council (NCC) upang masugpo ang kagutuman at matiyak ang seguridad ng pagkain sa Gitnang Kabisayaan.
Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan ng DAR at NCC kung saan makikinabang dito ang mga agrarian reform beneficiaries organizations na maghahatid naman ng mga produktong agrikultura para sa institutional feeding programs.
Ang programa ay sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty program ng gobyerno.
Layon nito na matugunan ang kagutuman at kahirapan upang direktang makinabang ang mahihirap na sektor ng lipunan.
Nilalayon din ng EPAPH na itulak ang edukasyon sa nutrisyon; pagtatatag ng mga pasilidad at teknolohiyang pang-agrikultura; food hubs; pasilidad sa imprastraktura;
mobilization ng funding; teknikal at research assistance mula sa mga local development partners and advocacy at edukasyon.
Katuwang dito ng DAR at NCC ay ang Departments of Social Welfare and Development, Agriculture, Interior and Local Government , Education at iba pa.