Nagsimula na ang pagproseso ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa anumang transaksyon na may kinalaman sa mga kaso sa ilalim ng Agrarian Law Implementation sa pamamagitan ng electronic o online.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ginawa ang proseso ng agrarian-related cases online bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.
Maaari na umano nilang ipadala ang mga dokumento bilang email attachment sa portable document format sa official email accounts ng DAR regional directors o provincial agrarian reform program officers.
Samanatala, nananatili pa ring nakalockdown ang DAR Central Office hanggang August 2, 2020.
Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado.
Bukod sa Central Office, kasama ring sinuspinde ang operasyon ng DAR Regions 4A at 4B at kasalukuyang isinasagawa ang disinfection activities.