DAR, bukas nang tumanggap ng online filing ng agrarian-related cases sa gitna ng COVID-19 pandemic

33

Nagsimula na ang pagproseso ng Department of Agrarian Reform (DAR) para sa anumang transaksyon na may kinalaman sa mga kaso sa ilalim ng Agrarian Law Implementation sa pamamagitan ng electronic o online.


Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ginawa ang proseso ng agrarian-related cases online bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Maaari na umano nilang ipadala ang mga dokumento bilang email attachment sa portable document format sa official email accounts ng DAR regional directors o provincial agrarian reform program officers.

Samanatala, nananatili pa ring nakalockdown ang DAR Central Office hanggang August 2, 2020.

Ito’y matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado.

Bukod sa Central Office, kasama ring sinuspinde ang operasyon ng DAR Regions 4A at 4B at kasalukuyang isinasagawa ang disinfection activities.

Facebook Comments