Makatatanggap ang mga agrarian reform beneficiaries sa Central Visayas ng mga farm machineries at mga equipment na nagkakahalaga ng ₱11.43 million.
Ito ay naisakatuparan sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP) ng ahensya.
Sa pamamagitan ng CRFPSP, napagkakalooban ng mga makabagong kagamitan ang mga farmer-beneficiaries sila ay mas maging produktibo.
Lumagda ng kontrata si DAR-Central Visayas Director Marion Abella sa Ford Tractor Philippines, Inc., para sa pagbili ng tatlong units ng 35 HP four-wheel drive tractor na nagkakahalaga ng P3.144 million.
Bumili din ang ahensya sa Suki Trading Corporation ng tatlong corn husher at shellers; dalawang mechanical rice transplanters, isang portable feed mill, 12 mechanical reapers, tatlong multi-cultivators/hand sugarcane cultivators at coffee parchment huller machine na nagkakahalaga sa kabuuan ng ₱4.179 million.
Pumasok din ang DAR sa kontrata sa P.I. Farm Products, Inc. at sa Universal Commercial Corporation.