DAR, bumuo ng bagong collegial body para resolbahin ang conversion cases

Bumuo ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng bagong collegial body na tututok sa applications para sa land use conversion.

Layunin nitong mapabilis ang resolusyon sa conversion cases.

Ang grupo ay tatawaging “Land Use Cases Committee” o LUCC, na inaatasang mag-apruba o mag-basura ng mga application para sa exemption at exclusion ng agricultural lands mula sa coverage ng comprehensive agrarian reform program.


Sa ilalim ng batas ang DAR secretary ang may approving authority para sa land use conversion applications na may kaugnayan sa mga lupa na may lawak na higit limang ektarya.

Pero sinabi ni DAR Secretary John Castriciones – upang masunod ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabilisin at pasimplehin ang conversion, exemption at exclusion process, i-aatas niya ito sa LUCC.

Ang LUCC ay bubuoin ng chairperson, vice chairperson at tatlong miyembro bawat sub-committees sa land use conversion, exemption at exclusion.

Facebook Comments