DAR, ginawaran ng CLOA ang nasa higit 1K magsasaka sa La Union

Aabot sa 1,312 na magsasaka sa La Union na ngayon ay bagong landowners na.

Ito ay matapos gawaran sila ng Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Ang agrarian reform beneficiaries ay nagmumula mula sa mga bayan ng Aringay, Bagulin, Bangar, Burgos, Caba Naguilian, San Gabriel, Santol, Sudipen at Sto. Tomas, maging ang lungsod ng San Fernando.


Ayon kay DAR Secretary John Castriciones – sakop nito ang nasa 757 na ektaryang agricultural land.

Pinaalahanan pa ng kalihim ang mga land reform beneficiaries na maging responsable at gawing kapaki-pakinabang ang iginawad sa kanilang mga lupa.

Facebook Comments