DAR, ikinatuwa ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa sa Senado ang panukalang batas na nagsusulong sa pagbura ng mga utang ng mga ARB

Ikinalugod ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang pagkakapasa sa ikalawang pagbasa sa Senado ng panukalang magbubura sa hindi nababayarang utang ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang mga balanse ng hindi nabayarang obligasyon ng mga ARB sa mga may-ari ng lupa ay sasaluhin ng LBP.

Ang DAR ay maglalabas ng certificate of condonation na ilalagay sa emancipation patent (EP) o certificate of land ownership award (CLOA) ng ARB, na katumbas ng titulo ng lupa.


Mayroong 610,054 ARBs ang may principal na pautang.

Ito ay katumbas ng ₱57.557-B na buburahin ng pamahalaan.

Facebook Comments