DAR, maglalabas ng 6 na mahahalagang polisiya upang mapabuti ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program

Nakatakdang ilabas ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang anim na mga bagong polisiya upang mapabuti ang pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Layon nito na matugunan ang mga pangangailangan ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), mga may-ari ng lupa at mga katutubo.

Kabilang sa nirerepaso ng Policy Review and Formulation Committee ay ang mga patnubay sa pagtukoy ng makatarungang kabayaran sa mga home lot ng Hacienda Luisita Inc., na ipinamahagi sa mga benepisyaryo na manggagawang-magsasaka.


Tinatapos din ng komite ang mga alituntunin sa pamamahagi at pagpapatitulo ng mga landed estates na inilipat sa DAR ng Land Bank of the Philippines.

Inaasahan din na mailalabas ang mga administrative order sa mga na-forfeit na lupain, at ang pagpapasiya ng halaga ng application bond na mag-gagarantiya laban sa maagang conversion.

Upang tingnan ang kaso ng mga katutubo sa buong bansa, ang DAR at ang National Commission on Indigenous People (NCIP) ay maglalabas ng joint administrative order sa “Parcellation of landholdings with certificates of land ownership award found to have overlapped within ancestral domains and ancestral lands.”

Facebook Comments