Naniniwala ang pamunuan ng Department of Agrarian Reform o DAR na malaking tulong sa mga magniniyog ang pagbubukas ng bagong pinto ng oportunidad sa mga magsasakang-miyembro ng Santa Cruz Small Coconut Farmers’ Multi-Purpose Cooperative nang pangunahan nito ang pagtatayo ng Vinegar Processing Center sa Zamboanga del Norte.
Pinangunahan mismo ni Rizzel Villanueva, DAR Zamboanga del Norte Provincial Agrarian Reform Program Officer ang groundbreaking rites ng ₱694,000.00 Vinegar Processing Facility sa Barangay Sta. Cruz.
Ayon kay Villanueva, ang Santa Cruz Small Coconut Farmers’ MPC ay benepisyaryo ng Village Level Farm-focused Enterprise Development o VLFED project na naglalayong ayusin ang mga produkto ng Agrarian Reform Beneficiaries o ARBs gamit ang mga pasilidad at kagamitan na naa-angkop sa negosyong pang-agrikultura ng kooperatiba.
Paliwanag pa ni Villanueva na ang layunin ng proyekto ay pataasin ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pasilidad upang maproseso at magdagdag ng halaga sa kanilang mga produktong sakahan, tulad ng suka, isang by-product ng niyog.
Dagdag pa ni Villanueva na hinahangad ng proyekto na madagdagan ang kita ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pasilidad upang maproseso at magdagdag ng halaga sa kanilang mga produktong sakahan, tulad ng suka, isang by-product ng niyog.
Ang konstruksyon ng pasilidad ay magtatapos sa Disyembre 2023 at inaasahang magiging ganap ang paggamit dito bago matapos ang taon.