DAR, nagkaloob ng ₱1.35-M ayuda sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyong Odette sa Negros Occidental

Nagkaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng ₱1.35 milyon na support service package sa Agrarian Reform Beneficiaries Organization sa Negros Occidental upang makapagsimulang muli sa kanilang kabuhayan matapos masalanta ng Bagyong Odette.

Ayon kay Officer-in-Charge Provincial Agrarian Reform Program Officer II Teresita Mabunay, kabilang sa mga tinanggap ng Palala Farmers Small Water Irrigation System Association (PAFA-SWISA) mula sa DAR ang rice reaper, mechanical rice thresher at hand tractor.

Kasama rin ang bio-shredder, 2-in-1 grass cutter, package ng technology at technical training sa climate proofing, at paglulunsad ng isang-ektaryang demo farm, na umaabot sa kabuuang halahang ₱1,350,000.


Aniya, ginagawa ang hakbang upang matulungan ang mga lugar na karaniwang dinadaanan ng kalamidad sa pamamagitan ng pagbuo ng mga alternatibong kabuhayan o rehabilitasyon.

Sinabi pa nito na ang isa sa solusyon upang muling makabangon ang mga disaster-affected northern areas sa nasabing lalawigan na magbibigay ng disenteng kabuhayan at manumbalik sa normal na pamumuhay.

Ang PAFA-SWISA na matatagpuan sa Brgy. Marcelo, Calatrava, ay may 247 kasapi na namamahala sa 50-ektaryang taniman ng tubo at 200-ektaryang palayan.

Facebook Comments