DAR, nagpamahagi ng multivitamins at ready-to-use supplementary food sa mga magsasaka sa Rizal

Nagpamahagi ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng mga multivitamins at ready-to-use supplementary food sa mahigit 3,000 magsasaka sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay DAR Provincial Agrarian Reform Program Officer Saturnino Bello, abot sa 3,771 members ng 29 na agrarian cooperatives ang nagbenepisyo sa bigay na tulong.

Ang 29 na agrarian cooperatives ay nasa mga bayan ng Jalajala, Tanay, Antipolo, Pililla, Rodriguez at Pinugay.


Binigyan din ng mga bitamina ang 78 empleyado ng DAR sa lalalwigan.

Malaking tulong ang bigay na mga multivitamins lalo na para mapalakas ang resistensiya na panlaban ng mga magsasaka sa virus.

Habang ang ready to use supplementary food ang tutugon sa nutritional needs ng tao na nakakaranas ng malnutrition bunga ng kakulangan ng pagkain sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Facebook Comments