DAR, nakatakdang ipamahagi ang aabot sa 174 na CLOA sa mga agrarian reform beneficiaries

Kasunod ng naging pagpuna ni Pangulong Rodrigo Duterte, pinabilis ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang antas ng pagpoproseso ng distribusyon nito ng mga Certificate of Land Ownership Awards (CLOA).

Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, determinado si Pangulong Duterte na tapusin ang land acquisition and distribution balance sa ilalim ng CARP extension with reform.

Target ng DAR na maipatupad ang 2nd phase ng repormang agraryo.


Abot pa sa 174 hectares na agricultural lands ang nakatakdang i-award ng DAR sa mga agrarian reform beneficiaries.

Kabilang sa mga agricultural reform beneficiaries na makikinabang ay mula sa Nueva Ecija at Hacienda Luisita sa Tarlac.

Ipinagmalaki pa ni Castriciones na nakapagpamahagi ng 60,000 na CLOA ang ahensya noong 2018.

Ito aniya ang pinakamataas na bilang ng CLOA distribution sa kasaysayan.

Facebook Comments