DAR, nakatukoy na ng 230,000 ektaryang lupain upang ipamahagi para sa mga nagtapos ng agrikultura

Natukoy na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang 230,000 government-owned lands para maipamahagi sa mga kwalipikadong aplikante.

Sinabi ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones na kabilang sa kwalipikado rito ay ang mga nagtapos ng apat na taong kurso sa agrikultura o may kaugnay na kurso sa nasabing larangan.

Layon nito na makatuwang sila ng gobyerno sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.


Gayundin aniya ang mga aplikante na walang lupa, mga residente ng munisipalidad na may kahandaan at kakayahang linangin at gawing mabunga ang lupa.

Facebook Comments