Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Agrarian Secretary John Castriciones na nakamit nito ang target na distribusyon ng lupang sakahan para sa taong 2018.
Ayon kay Castriciones, nasa 60,000 na Emancipation Patents (EP) at Certificates of Land Ownership Award (CLOA) ang kumpletong naiproseso ng ahendya.
Abot sa 4.8 million hectares ng lupang agrikultural ang naipamahagi sa mahigit dalawang milyong agrarian reform beneficiaries.
Hinamon niya ang mga DAR na i-assess ang kalagayan ng mga lupang sakahan na naipamigay sa mga agrarian reform beneficiaries.
Facebook Comments