DAR, namahagi ng land titles at farm machineries at equipment sa Caraga Region

PHOTO: Presidential Communications Office

Inanunsyo ng Department of Agrarian Reform (DAR) na umaabot sa kabuuang 4,659 ektarya ng agricultural lands ang ipinamahagi ng ahensiya sa 2,769 na benepisyaryong magsasaka sa Caraga Region kahapon.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at DAR Secretary Conrado Estrella III ang nanguna sa pamamahagi ng lupain sa mga benepisyaryo.

Bukod dito, ang pagturn-over din ng ₱8.9 Million halaga ng farm machineries at equipment sa 1,681 agrarian reform beneficiaries.


Binubuo ang mga ito ng tractors, hand tractors, grass cutters, at knapsack sprayers.

Ang pamamahagi ay ginawa sa ilalim ng Climate Resilient Farm Productivity and Support Program (CRFPSP) ng DAR sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA).

Lahat ng magsasakang benepisyaryo ay mula sa Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del Sur at Dinagat Islands sa nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments