DAR, namahagi ng titulong lupa sa mga magsasaka sa Cotabato at South Cotabato

Namahagi ang Department of Agrarian Reform o DAR ng 2,756 na titulo ng lupa sa kanilang agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa kabuuang 3,532 ektaryang sa Cotabato at South Cotabato.

Ang nasabing ahensya ay nagbigay ng 2,103 na titulo ng lupa sa kanilang 2,067 sa South Cotabato, kung saan ang lupa ay sumasakop ng 2551.16 hectares.

Samantala, 599 na ARBs naman ang nabigyan ng 653 na titulo na sumasakop naman ng 981.11 hectares sa Cotabato.


Inihayag ni DAR Undersecretary for Mindanao Affairs Amihilda Sangcopan na ang hakbang na ito ay hindi lamang nagpapakita ng legal na pagkilala sa mga lupa bagkus ito rin ay nagbubukas ng malawak na oportunidad na makatutulong sa ekonomiya at kapangyarihang panlipunan.

Ang hakbang na ito ay ayon sa mandato ng ahensya na mamahagi ng certificate landownership awards o CLOAs para sa mga magsasakang walang sariling lupa sa ilalim ng regular na Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP at proyektong Support to Parcelization of Lands for Individual Tilting o SPLIT, nauugnay sa paghahati ng mga lupain at pag-iisyu ng mga invidual titles sa mga benepisyaryo na dati nang ginawaran ng mga lupain sa ilalim ng collective CLOA.

Ito ay dinaluhan din ni Assistant Secretary Vinci Beltran, mga kawani ng DAR Region 12, South Cotabato Vice Governor Arturo Pingoy, Surallaah Mayor Pedro Matinong Jr., at mga miyembro mula sa iba’t ibang organisasyon.

Facebook Comments