Daan-daang farmer beneficiaries ang makakapag may-ari na ng lupang sakahan matapos ipagkaloob ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang Certificates of Land Ownership Award (CLOA) na sumasaklaw sa 562 ektarya ng agricultural lands sa lalawigan ng Capiz .
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, kabuuang 549 na farmer beneficiaries ang pinagkalooban ng land titles sa Roxas City at sa mga munisipalidad ng Panay, Pilar, Maayon, Pontevedra, Pres. Roxas, Cuartero, Dao, Dumalag, Sigma, Tapaz, Dumarao, Mambusao at Jamindan.
Matapos ang distribusyon ng CLOAs sa Agrarian Reform beneficiaries, nagkaloob din ang DAR ng 14 farm trucks sa 12 agrarian cooperatives doon.
Layon nito na mapahusay pa ang kalidad ng pamumuhay ng mga kasapi ng kooperatiba at makakatulong sa pangangailangan ng mga farmers sa paghahakot ng kanilang agricultural products.
Napakamahal kasi ang umupa ng mga traktora at farm machines mula sa mga commercial firms .
Hinimok ni Castriciones, ang mga farmers na gawin na ang lahat ng kanilang makakaya upang mapalago ang lupang sakahan at makakaasa pa ng tulong mula sa DAR.