DAR, nangakong bibigyan ng lupa ang mga katutubong nawalan ng lupa sa Boracay

Ipinag-utos na ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na bigyan ng lupa ang 44 na katutubong Ati na nawalan ng tirahan bunsod ng alitan sa lupa sa boracay.

Nauna rito, nawalan ng tirahan ang mga katutubo matapos kanselahin ang Collective Certificate of Land Ownership Award na inisyu ng nakaraang administrasyon.

May kaugnayan ito sa naging pagbawi sa 1,282 square meter na lupain na inokupahan ng mga Ati na sinasabing mga miyembro ng Boracay Ati Tribal Association.


Una nang inihayag ng Kalihim ng DAR na prayoridad na maibalik sa pagsasaka ang mga katutubo sa tulong ng pagbibigay ng agricultural land tungo sa pagpapalago ng kanilang kabuhayan.

Facebook Comments