DAR, pumalag sa alegasyon ng dalawang grupo ng magsasaka na bigo ang CARP

Inalmahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang alegasyon ng Teresita, Tarlac at Task Force Mapalad – Negros Panay Chapter na bigo ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ayon sa mga grupo, pinagkakitaan pa nga ng mga Negros landlords ang kanilang landholdings na sakop ng CARP dahil sa mabagal na implementasyon ng programa.

Tinawag ni DAR Secretary John Castriciones na malisyoso ang naturang pahayag.


Wala rin umanong utang na loob ang mga benepisaryo ng hacienda sa Tarlac.

Sa katunayan ayon kay Castriciones, 78 percent ng 4,500 hectares na CARP-covered agricultural lands sa Negro Occidental, Bukidnon, at Davao Oriental ang naibigay na sa mula 2014 hanggang 2021.

Aniya, aabot sa 4,382 na miyembro ng Task Force Mapalad ang nakinabang

Kumakatawan ito sa total na 482,746 hectares na naideliver na nabigyan ng Certificates of Land Ownership Award ng Duterte administration.

Facebook Comments