Inalis na ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang suspensyon sa pamamahagi ng lupang sakahan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.
Sa inilabas na Administrative Order (AO) No. 2, tinanggal na ang ilang probisyon sa naunang AO No. 6.
Sa ilalim ng naunang AO No. 6, partikular na sinuspinde ang land acquisition and distribution ng CARP-covered lands na may pending petition o protesta, may aplikasyon ng conversion, exemptions at exclusions.
Sa bagong kautusan, maaari na muling magpatuloy ang proseso hanggang sa pag-iisyu ng CLOA at aktwal na pamamahagi ng lupa sa mga Agrarian Reform Beneficiaries kahit mayroong pending protest.
Maaari na lamang itong maipatigil kung may kautusan ng Court of Appeals o Supreme Court.
Facebook Comments