Nag-iingat na rin ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa pag-iisyu ng quarantine accreditation passes sa agrarian reform beneficiaries.
Layon nito na maprotektahan ang mga nagsusuplay ng produktong pang-agrikultura sa mga critical areas sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ang DAR kasi ang binigyang otoridad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pagkakaloob ng quarantine accreditation passes.
Iniaatas sa Memorandum Circular No. 140 na agresibong magpatupad ng health protocols ang mga tauhan ng ahensya na umaalalay sa ARBs alinsunod sa patnubay ng Department of Health (DOH).
Pinatitiyak ni DAR Secretary John Castriciones na may suot na face mask, face shield at gloves ang mga humaharap sa food supply.
Ayon kay Castriciones, dahil isa ang mga ARBs na nasa frontline ng laban sa COVID-19, marapat lamang buo ang ibigay nilang suporta sa mga magsasaka nagtutustos ng pagkain sa panahong may krisis ang bansa.