Nilinis ng lokal na pamahalaan ng maynila kasama ang Manila Police District (MPD) ang mga daraanan ng thanks giving procession ng poong itim na Nazareno ngayong araw.
Partikular na sinuyod ang loob ng taon, Evangelista at Quezon Blvd na papuntsng Quiapo.
Isa-isang kinumpiska ng Manila City hawkers at manila department of public service ang mga paninda at gamit ng mga vendors na sagabal sa daaranan ng prusisyon.
Ilan sa mga kinumpiska ay Motorsiklo, bisikleta, helmet, upuan, tent at iba pa na ginagamit sa pagtitinda.
Ang naturang hakbang ay pata masigurong walang magiging sagabal sa gagawing prusisyon na magsisimula mamayang gabi hanggang madaling araw ng December 31.
Muli naman paalala ng MPD na bawal ang inuman sa daraanan ng prusisyon at sa mga lalahok sa naturang aktibidad ay pinayuhan na sumunod sa payo ng mga otoridad.