Daraga, Albay at Cotabato City, isinailalim na sa Comelec control

Isinailalim na ng Comelec sa kanilang kontrol ang Daraga, Albay at Cotabato City.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ng mga lokal na opisyal ng Comelec matapos ang pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at sa kaniyang security aide gayundin ang pagpapasabog sa Cotabato City.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, tatagal ang pagsasailalim sa Daraga at Cotabato City sa Comelec control hangang matapos ang election period.


Sa ilalim ng Comelec control, magkakaroon ng kapangyarihan ang poll body na i-supervise ang national at local law enforcement agencies at mga opisyal ng militar na naka-deploy sa isang bayan.

Facebook Comments