Ikinukunsidera ng Comelec na ilagay sa kanilang kontrol ang Daraga, Albay.
Kasunod ito ng pagkakapatay kay Congressman Rodel Batocabe sa nasabing lugar.
Kinumpirma rin ni Comelec Spokesman James Jimenez, na isang araw matapos mapatay si Batocabe, dalawang iba pang biktima ang natagpuang patay.
Hindi pa aniya tukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung sino ang nasa likod ng krimen.
Target ng Comelec na isailalim sa kanilang kontrol ang Daraga sa Enero a trese kasabay ng pagsisimula ng election period.
Gayunman, ito aniya ay dadaan muna sa pag-apruba ng Comelec en banc.
Ayon pa kay Jimenez, ikukunsidera rin ng Comelec sa kanilang gagawing desisyon ang magiging assessment ng PNP.
Ipinaliwanag pa ni Jimenez na sa ilalim ng rules, kapag mayroong intense political rivalry sa isang lugar at nagdudulot ito ng pangamba sa mga residente, otomatiko aniya itong ground para sa pagsasailalim sa kanilang kontrol sa lugar.