Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, arestado ng PNP-CIDG

2148

Albay – Inaresto ng pulisya si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay matapos na makuha sa ikinasang search warrant operation sa kanyang bahay ang ilang hindi lisensyadong baril, mga bala at granada.

Narekober din ang isang Isuzu Alterra white na may plakang BCW 941.

Isinagawa ang operasyon kaninang alas dos y media ng madaling araw.

Nakatakda siyang dalhin sa kustodiya ng CIDG para sa proper disposition.

Si Baldo ang itinuturong pangunahing suspek sa pagpatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe.

Facebook Comments