Bumuwelta si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo dahil sa tila paninisi sa kanya sa pagkamatay ni Ako Bicol Representative Rodel Batocabe.
Panawagan ng alkalde – huwag muna siyang husgahan hangga’t hindi pa natatapos ang imbestigasyon.
Sinabi naman ni Atty. Justin Batocabe, ama ng nasawing mambabatas – tuloy ang kanilang laban sa 2019 Midterm elections.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang pulitiko ang nasa likod ng pagpatay kay Batocabe.
Itinaas na rin ng Pangulo sa 50 million pesos ang pabuya para sa makapagtuturo kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.
Naniniwala naman daw ang Pangulo na walang kinalaman ang NPA sa pagkamatay ni Batocabe.
Facebook Comments