Inilipat na sa Legazpi City Jail si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na umano’y mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe.
Ito ay matapos ang ilang araw niyang pananatili sa UST Hospital sa Legazpi dahil sa hyperventilation at asthma.
Matatandaang inaresto si Baldo noong Enero 22 pero idiniretso sa ospital.
Si Baldo ay nahaharap sa mga kasong murder at illegal possession of firearms and explosives.
Facebook Comments