Daraga Mayor Carlwyn Baldo, dinala na sa Legazpi City Jail ayon sa BJMP

Dinala na sa Legazpi City Jail si Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo, ang pangunahing suspek sa pagpatay kay AKO Bicol Representative Rodel Batocabe.

 

Ayon kay BJMP Spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, 10:35 kaninang umaga nang boluntaryong sumuko si Baldo sa sala ni Judge Maria Theresa Loquillano.

 

Kasunod ito ng ipinalabas na arrest warrant ni Judge  Loquillano laban kay Baldo na nahaharap sa  two counts ng  murder at six counts ng  frustrated murder.


 

Sumailalim muna si Baldo sa booking procedure at  medical examination.

 

Pagkatapos nito, idiniretso na siya sa reception at diagnostic center ng  Legazpi City Jail Annex kung saan siya binigyan ng  orientation  patungkol sa  mga regulasyon sa loob ng naturang jail facility facility.

 

Tiniyak ni Solda na hindi bibigyan ng natatanging trato si Mayor Baldo  at isasama siya sa mga ordinaryong preso.

Facebook Comments