“Darknet,” ginagamit na high tech na paraan sa paghahatid ng iligal na droga

Manila, Philippines – Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Department of Information and Communications Technology (DITC) na hirap silang makapasok sa high-tech na paraan ng bentahan ng iligal na droga.

Ito ay matapos matuklasan sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs na gumagamit ng “darknet” para magsagawa ng transaksyon tulad ng paghahatid o pagbili ng droga sa bansa.

Ang “dark net” ay iba pang level ng world wide web na hindi basta-basta ma-a-access ng sinuman.


Ayon kay Atty. Simon Simon, maaari nilang ma-access ang “dark net” pero aminadong hirap silang gawin ito.

Aniya, kulang sila technical capacity para mabuksan ang “darknet” upang mahuli ang mga nasa likod nito.

Inamin din ni Czareanah Aquino ng PDEA na nahihirapan silang ma-access ang “darknet” dahil sa kulang ang ahensya sa forensic capability.

Sa pagdinig, gumagamit ang mga sindikato sa kanilang bentahan ng iligal na droga ng fake accounts, prepaid numbers at nagbabayad sa pamamagitan ng bitcoins o digital payment system.

Kapag nakapagsagawa na ng transaksyon sa sinasabing “darknet”, ang Transport Network Vehicles tulad ng Grab delivery service ang ginagamit naman na paghatid sa umorder ng droga.

Facebook Comments