DAS Mayor pinasalamatan ang Pangulo DU30

150

Lubos ang pagpapasalamat ni Datu Abdullah Sangki Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa tiwala at suporta sa kanya ng mismong Presidente Rody Duterte.
Sinasabing lubos ang paghanga ng Pangulo sa mga naging inisyatiba sa kanyang bayan sa DAS ni Mayor Bai Mariam.
Matatandaang kaliwat kanang mga parangal na at pagkilala ang nakamit ng DAS sa ilalim ng 2 termer Mayor. Kabilang na rito ang Seal of Good Local Governance mula DILG na nagpapatunay aniyang may panggobyerno ginagawa ang mga opisyales ng bayan.
Nagpapasalamat rin ang LGU DAS sa dating Special Assitant to the President Bong Go dahil ito ang isa sa naging instrumento at napansin ng pangulo ang mga pagsisikap ng mga opisyales ng bayan ayon pa kay DAS Admin Officer Odjie Balyman.
Samantala, patuloy naman ang paghimok ni Bai Mariam sa kanyang mga kababayan na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga inisyatiba ng Pangulo , nanawagan rin itong patuloy syang tulungan na maipagpatuloy ang Gobyernong may Malasakit sa lahat.
DAS LGU PIC

Facebook Comments