Dasal at kapayapaan, hiling ng lider ng Muslim community sa Albay kasabay ng pagtatapos ng Ramadan

166

Albay – Hinimok ni Abdullah Bores, lider ng mga Muslim sa Albay na magdasal sa pagtatapos ng Ramadan sa Bicol Region at sa buong bansa.

Aniya, sa pamamagitan sa pagdasal kay Allah ay maipaparating nila ang liwanag sa bawat puso’t isipan ng mga kapatid nilang muslim na nagtatapos sa kanilang isang buwan na pagdarasal at ayuno sa mga Muslim sa bansa.

Ayon pa kay Borres – naniniwala sila sa pamamagitan ng pagdarasal ay mabibigyan ng taimtim na pagbibigayan at pagmamahalan sa mga Muslim sa rehiyon.


Hinikayat din ang mga Muslim na isapuso at isaisip ang pagmamahal kay Allah.

Facebook Comments