DASAL AT SUPORTA | Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, muling nanindigang hindi magbibitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Nanindigan si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hindi siya magbibitiw sa pwesto.

Sa kaniyang pagharap bilang keynote speaker sa 25th National Convention of the Regional Trial Court Clerks of Court, nanawagan ng si Sereno ng dasal at suporta sa kinakaharap nitong impeachment complaint.

Muli ring iginiit ni Sereno, na personal na desisyon niya ang mga leave at hindi pinilit ng mga mahistrado.


Aniya, ang kaniyang leave of absent ay para paghandaan ang impeachment trial niya sa senado.

Samantala, nakatakdang maglabas ang SC ng statement kaugnay ng indefinite leave ni Sereno.

Batay sa ulat, pinaikot na ang statement sa mga justices para mapirmahan.

Posible umanong naglalaman ito ng paglilinaw sa mga statement na inilabas ng kampo si Sereno.

Facebook Comments