“Dasal”, panawagan ng PNP sa publiko para mas magampanan ang kanilang tungkulin sa harap ng nararanasang health crisis ng bansa

Umaapila ng dasal ang Philippine National Police (PNP) sa harap ng patuloy na pagtupad ng kanilang tungkulin dahil sa nararanasang health crisis ng bansa dulot ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, ngayong inoobserba ng mga katoliko ang Holy Week at naka-home quarantine ang halos lahat ng Pilipino. Ito rin ang tamang panahon para magnilay nilay ang lahat at lumapit sa Diyos at ipagdasal na rin matapos ang pagkalat ng nakakamatay na virus.

Humihingi rin ng pang unawa si PNP Chief sa pamilya ng mga PNP personnel na ngayon ay naka-deploy sa mga quarantine checkpoints.


Aniya, ginagawa ng mga pulis ang kanilang tungkuling ipatupad ang mga umiiral na batas ngayong nasa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Luzon.

Sa ngayon, dalawang pulis na ang namatay sa 14 na pulis na nagpositibo sa COVID-19, habang 241 ay person under investigation (PUIs) at 1,644 na pulis ay person under monitoring (PUMs).

Facebook Comments