MANILA – Nagpalabas ng oratio imperata o obligatory prayer para sa pag-ulan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.Ang“prayer for rain”na inilabas ng CBCP ay dadasalin sa mga simbahan sa bansa tuwing may idaraos na misa.Nakasaad sa panalangin na marami na sa mga apektado ng matinding tagtuyot ang nakararanas ng gutom at uhaw.Sinabi ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na iba ang kapangyarihan ng dasal at natitiyak niyang maibibigay ang pag-ulan lalo na sa mga lugar na matindi na ang epekto ng El nino.Makatutulong aniya ang sabayang pagdarasal sa anumang uri ng kalamidad na nararanasan ng bansa.Kahapon ay umabot sa 51 degrees celcuis ang naranasang heat index sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, habang 39 degrees celcuis sa metro manila.Ito na ang pinakamainit na temperaturang naranasan sa bansa, simula ng pumasok ang dry season.
Dasal Para Umulan, Inilabas Na Ng Cbcp Dahil Sa Matinding Epekto Ng El Niño
Facebook Comments