Data analysis ng DOST para sa VCO clinical trial, aarangkada na ngayong linggo

104

Sisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang data analysis para sa community-based clinical trials sa paggamit ng Virgin Coconut Oil (VCO) bilang lunas sa COVID-19.

Ayon kay DOST Sec. Fortunato Dela Peña, ngayong linggo target nilang uumpisahan ang analysis ng data sa paggamit ng VCO.


Aalamin ng DOST sa mga COVID-19 patients na nakatanggap o umiinom ng VCO kung mas mabilis silang gumaling kumpara sa ibang pasyente.

Maaalalang nagsagawa ng VCO clinical trials sa Sta. Rosa Community Hospital sa Laguna kasali ang 56 na probable at may mild COVID-19 cases.

Inaasahan naman na ilalabas ang resulta ng VCO data analysis sa ikalawang linggo ng Nobyembre habang ang buong pag-aaral sa darating na Disyembre.

Facebook Comments