Data analysis para sa Stage 2 clinical trial ng Lagundi, sisimulan sa susunod na linggo – DOST

Isasagawa sa susunod na linggo ang data analysis para sa placebo-controlled clinical trial ng Lagundi bilang therapeutic o supplement laban sa COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña, ang two-stage, randomized clinical trial ng Lagundi ay inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon.

Layunin ng proyekto ay malaman ang efficacy at safety ng Laguna tablet o syrup sa mga pasyenteng walang comorbidities, suspected o confirmed na mayroong mild COVID-19.


Ang unang stage ng trial ay dose-finding at safety study, na isinagawa sa Quezon Institute at sa Philippine National Police (PNP) Camp Bagong Final Special Care Facility.

Ang screening at recruitment ng mga participants para sa Stages 1 at 2 ng clinical trial ay natapos na.

Nasa 278 participants mula sa pitong quarantine facilities ang naka-enroll sa proyekto, na pinamumunuan ni Dr. Cecilia Nelia C. Maramba-Lazarte ng University of the Philippines – National Institute of Health (UP-NIH) at isinasagawa ito sa loob ng 10 buwan, mula July 13, 2020 hanggang May 12, 2021.

Ang Lagundi clinical trial ay aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) bilang supplemental treatment laban sa COVID-19 noong August 2020.

Kilala ang Lagundi bilang gamot sa ubo.

Facebook Comments