Data analytics ng DOH-IATF at OCTA Research Team, pinagsasanib-pwersa na lamang

Pinagsasanib-pwersa ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang data analytics ng Department of Health-Inter-Agency Task Force (DOH-IATF) at OCTA Research Philippines.

Ito ang nakikita ng kongresista na solusyon para wala ng kalituhan at magkaroon ng iisang rekomendasyon na maibibigay sa pamahalaan.

Tinukoy ni Quimbo ang mga maling projection ng OCTA habang ang DOH naman ay aminadong hindi accurate ang mga data.


Sa tingin ng kongresista, mas maganda kung magsasama ang data analytics ng DOH at ang OCTA Research Team dahil kita naman ang “willingness” o kahandaan ng mga ito na magbigay ng kanilang kaalaman, oras at talento.

Inirekomenda rin ni Quimbo na pangunahan na rin ng pinagsanib na grupo ang pagtitiyak na tama ang COVID data na kinakalap ng DOH.

Dagdag pa ng lady solon, kung mapapaloob sa gobyerno ang mga eksperto mula sa private sector ay masisiguro ang transparency at accountability sa ginagamit na methodologies.

Para mapondohan ang pagsasama ng DOH analytics data at OCTA Research Team ay iminungkahi ni Quimbo na gamitin na pondo dito ang ₱15 million na computation research lab ng UP Diliman sa ilalim ng Bayanihan 2 na hindi naman aniya nagpo-produce ng big data sa COVID-19.

Facebook Comments