DATA BREACH | Digital keys ng 50 million Facebook users, ni-reset

Manila, Philippines – Ni-reset ng Facebook ang digital keys ng nasa 50 million users na apektado ng nangyaring data breach.

Bukod dito, disabled na rin ang ‘view as’ feature.

Dalawang account users na ang nagsampa ng kaso laban sa kumpanya sa federal court habang higit 6,000 users na ang nagreklamo sa page ni Facebook founder Mark Zuckerberg.


Nauna na ring nasangkot sa data breach ang Facebook matapos ma-access ng data firm na cambridge analytica ang profile details ng 87 million users.

Facebook Comments