Data breach sa isang kilalang fast food chain, labis na ikinabahala ng isang kongresista

Matindi ang pag-aalala ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes kaugnay sa nangyaring data breech sa customer information ng isang kilalang fast food chain na Jollibee Foods Corporation.

Sa pagkaalam ni Ordanes ay kasamang nakuha ng mga hacker ang mga personal na impormasyon ng mga customer nito kabilang ang mga senior citizen.

Nangangamba si Ordanes na ang nabanggit na mga data ay maibenta sa mga sindikato na nagsasagawa ng identity theft, scam o panloloko at cybercrimes.


Binanggit ni Ordanes na madalas na nagiging biktima ng mga scammer ang mga nakatatanda dahil hindi sapat ang kanilang kaalaman at kasanayan sa makabagong teknolohiya.

Bunsod nito ay umapela si Ordanes sa Senado na madaliin ang pagpasa sa panukalang Anti-Financial Accounts Scamming Act na naipasa na ng Kamara.

Diin ni Ordanes, kailangang mamuhunan ang pribadong sektor sa para sa kanilang cybersecurity defense habang dapat namang madagdagan ang pondo ng mga ahensya ng gobyerno para malabanan ang cybercrime.

Facebook Comments