Pinasisilip ng mga kongresista ng Bayan Muna Party list ang umano’y data breach at hacking sa sistema ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa House Resolution 2434 na inihain nila Bayan Muna Reps. Carlos Isagani Zarate, Eufemia Cullamat at Ferdinand Gaite, ay inaatasan ang House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na imbestigahan “in aid of legislation” ang data breach sa server ng komisyon.
Nitong January 10, mismong ang Manila Bulletin ang nag-report ng umano’y hacking sa system ng COMELEC bagay na pinabulaanan naman ng ahensya at hindi pa ito nangyayari.
Magkagayunman, pinaiimbestigahan ang nasabing akusasyon ng data breach sa COMELEC dahil kung mapatunayang totoo ay seryosong usapin ito sa darating na May 2022 elections.
Malalagay aniya sa alanganin ang kredibilidad ng halalan kung hindi ito agad maaaksyunan at maimbestigahan ng Kongreso.