“Data brokers” na nagbebenta ng personal data ng mga mamamayan, dapat tuntunin agad

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na tuntunin ang mga “data broker” na nagbebenta ng personal data ng mamamayan.

Ayon kay Villanueva, ngayong internet age ay maraming mga data capture point tulad ng membership sa mga utility, government, social institutions, financial companies at iba pa.

Mungkahi ni Villanueva, magpatupad ng zero-tolerance policy laban sa mga text scam dahil maaaring ang susunod na pyramid scam ay magmula sa mga nakaw na data ng mga cellphone at internet users.


Dagdag pa ni Villanueva, hindi na kakailanganin ng mga pyramid scam artist ang word-of-mouth marketing para humikayat sa mga biktima dahil gagamitin na nila ang digital technology para makakuha ng mga biktima.

Diin ni Villanueva, katulad ng COVID ay mayroong mutation ang mga ganitong scam kaya mainam na maunahan ito ng pamahalaan.

Facebook Comments