Data-driven policies, epektibo sa pagtugon sa COVID-19 – VP Robredo

Iginiit ni Vice President Leni Robredo ang kahalagahan ng data-driven policies at approaches para mapalakas ang public health system at makatugon ng epektibo laban sa banta ng COVID-19.

Ayon kay Robredo, ang datos ang dapat pinagbabatayan para sa solidong pagpapasya.

Kapag malinaw aniya ang mga datos, tiyak alam na ang mga susunod na hakbang na gagawin.


Hindi rin dapat dinadaan sa swerte ang pagbuo ng polisya dahil ang public health ay nakatali sa access sa edukasyon, kabuhayan at matibay na socio-economic infrastructure.

Mahalagang nakatuon ang pamahalaan sa mga datos kung nais nilang paghusayin pa ang public health system.

Facebook Comments